Get a site

Open Letter to Former President Fidel V. Ramos

I am happy to see former President Fidel V. Ramos is still open and available for any discussion regarding political issues and leadership management with other leaders. But I do not feel comfortable to see him insisting his ideas to President Duterte – when his ideas are ignored, he would have to change his tone and emotions against the president.

Honorable Fidel V. Ramos

Former President of the Philippines

Honorable Sir,

Mula sa puso, magandang araw po. Sana po nasa mabuti po kayong kalagayan sa mga oras na ito at ligtas po sa anumang kapahamakan.

Fidel V. Ramos

Fidel V. Ramos, Photo Credits: Wikipedia

Seguro po kung aking babalikan ang panahon na kayo po ang Pangulo ng Pilipinas, marami po akong puwede ipagmalaki sa aking mga anak at mga apo patungkol po sa iba’t ibang mga bagay na nagawa po ninyo para sa bansang Pilipinas.

Ganuon pa man marami din po akong maikukuwento sa kanila patungkol sa mga pangyayaring naganap sa panahon ng inyong panunungkulan na hindi kanaisnais na nangyari at hindi dapat nangyari.

Ang hindi ko po maintindihan ngayon, ay kung bakit tuwiran po kayong nakikialaman sa pamamalakad ng bagong halal na Pangulo ng Pilipinas? Ganito rin po ang ginawa ninyo sa mga dumaang administrasyon magmula kay Estrada, Arroyo, Aquino at ngayon naman kay Duterte.

Para bagang na sila ay mga puppet na sunodsunuran na lamang kung ano po ang gusto ninyong mangyari sa kanilang panunungkulan bilang mga presidente. Na kung tutusin po kung sa mga nagawa na naramdaman ng nakakaraming Pinoy baka po wala pa po ang mga nagawa nyo para masabi na angat po ang mga nagawa ninyo.

Magmula po sa panunungkulan ni Cory, sumunod po kayo hanggang sa kasalukuyang presidente, akin po nakita ang mga kaganapan. Kaya naman po hindi nyo po puwedeng sabihin sa akin at sa iba pang mga Pinoy na mas magaling ka kaysa iba na naging pangulo.

Bawa’t isa sa inyo ay nakagawa ng mga bagay na naitatak na sa isipan ng bawat Filipino ang iba’t ibang kahihiyan (hindi ko na lang po babanggitin) na kayo mismong mga pangulo ang sumulat nito sa kasaysayan. At kailan man ay hindi na po yon mabubura.

Kaya ang pakiusap ko nalang po sa iyo dating pangulo ay magpahinga. E enjoy nyo na lang po ang mga natitira niyo pa pong mga araw. Sa edad ninyong 88, dapat lang na atupagin ang oras na kasama po ninyo ang inyong mga mahal sa buhay kaysa ang pag-ukulan ng inyong panahon ay mga isyu sa politiko.

Hayaan niyo na lang po na ang bagong Pangulong Duterte ay siyang dumiskarte. Malaki ang tiwala namin sa bagong halal na pangulo. Kaming mga 16 milyon + na bomoto sa kaniya ay buong puwersang nagkakaisa para suportahan siya sa lahat ng kaniyang mga adbokasiya para sa ikabubuti ng bansa at ng mga Filipino. Sana po ganuon din po kayo dating pangulo Fidel V. Ramos.

Gumagalang,

Paul Pruel/Concern Filipino/ Kasama Sa Pagbabago

Facebook Comments

, , , , ,

Powered by WordPress. Designed by WooThemes

Show Buttons
Hide Buttons
Please wait...

Subscribe to our newsletter

Want to be notified when our article is published? Enter your email address and name below to be the first to know.
Title
Caption
File name
Size
Alignment
Link to
  Open new windows
  Rel nofollow